TV

Sanya Lopez at Gabby Concepcion, nagpakilig sa kanilang 'First Yaya' BTS photo

By Cherry Sun

Hindi pa naman napapanood sa TV, agad nang nagpakilig sina Sanya Lopez at Gabby Concepcion sa litratong ibinahagi ng aktor mula sa First Yaya lock-in taping.

Bago magtapos ang November ay nagsimula ang lock-in taping ng inaabangang Kapuso rom-com series. Dito rin ang naging unang pagkikita nina Sanya at Gabby sa personal.

Kahit unang beses pa lang nilang magtatrabaho nang magkasama, pansin na agad ang chemistry ng dalawang Kapuso stars. Sa katunayan, kilig na kilig at excited ang netizens sa kanilang tambalan ayon sa comments sa Instagram post ni Gabby.

Sambit ng isang netizen na may username na @evosampan, “Cute niyo pong magkasama.”

Ayon naman sa isa pang netizen na may username na @agneshs_1996, “Yes! So excited for this tandem, may chemistry! Can't wait for March!”

Kasama rin nina Sanya at Gabby sa programa sina Maxine Medina, Pancho Magno, Pilar Pilapil, Gardo Versoza, Sandy Andolong, Buboy Garovillo, Cassy Legaspi, Cacai Bautista, Thou Reyes, Glenda Garcia, Analyn Barro, JD Domagoso, Anjo Damiles, Jerick Dolormente, Cai Cortez, Kiel Rodriguez, and Jenzel Angeles.

Ang First Yaya ay mapapanood na simula March 2021.

ALSO READ:

EXCLUSIVE: Sanya Lopez, handa ba kung magkaroon ng intimate scenes with Gabby Concepcion?