TV

Sanya Lopez at Gabby Concepcion, nakita ang ideal partner sa isa't isa

By Cherry Sun

Inamin nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion na nasa isa't isa ang hanap nila sa isang ideal partner.

Humarap sina Sanya, Gabby at iba pang cast members ng First Yaya sa isang virtual media conference para sa nalalapit na world premiere ng kanilang programa ngayong darating na Lunes, March 15.

Dito ay ikinuwento ng dalawang Kapuso actors kung paano nabago ng lock-in taping ang kanilang first impression tungkol sa isa't isa.

Pagbahagi ni Gabby, “Hindi ko gine-generalize pero kung minsan may mga… kung minsan merong image kasi na mahirap katrabaho 'yung ibang artista, hindi lang naman para kay Sanya, para sa mga iba din. Akala ko makakaramdam ako ng ganun pero hindi. 'Yun ang kumapit sa akin.”

Marami raw naranasan na firsts ang beteranong actor sa First Yaya lalo na't first time daw niya katrabaho ang karamihan sa kanyang co-stars.

“It turns out lahat nag-blend, nag-jive. Maganda, maganda chemistry.”

Samantala, masaya at thankful din si Sanya sa pagbabago sa relationship nila ni Gabby.

Wika niya, “'Yung impression ko kasi kay Sir Gabby Concepcion, ano siya, very formal. Ako kasi medyo kalog ako talaga so parang 'pag kinausap ko siya, hindi ko siya pwedeng bakla-baklain, ganun... Hindi ko siya pwedeng makausap nang mga jologs na salita or mapasayaw sa TikTok. Pero nagbago lahat 'yun nung nagkasama na kami. So malaking bagay din talaga 'tong lock-in taping na mas nakilala mo 'yung tao, mas alam mo na go pala si Kuya Gabby sa mga ginagawa namin. Ang galing niya kung paano makipag-connect actually sa aming lahat.

“And hindi lang si Kuya Gabby, actually lahat sa cast ng First Yaya, even 'yung prod namin. 'Yung buong production, talagang close sa aming lahat kaya kaming lahat dito, isang buong pamilya na. Hindi na magkakatrabaho lang. Ganun na kami. So lahat 'yan nabago nang dahil sa lock-in taping.”

Maliban sa nagbago ang impression nila sa isa't isa, napansin din nilang nasa isa't isa ang hanap nila sa isang ideal partner.

Sambit ni Gabby, “Si Sanya kasi madaling ma-in love ang kahit sino dito. Napakasimple niya. Kaya din siguro siya ang pinili ng management. Napakabait niya, kalog siya, health-conscious. Conscious siya sa mga taong nasa paligid niya. 'Yung character na ginagawa niya parang siya 'yun eh. Siya, siya talaga. Sabi nga ni direk eh, 'Wag ka na umarte.' 'Yan, 'yan 'yun eh. Ikaw 'yun eh.'”

Dugtong naman ni Sanya tungkol sa kanyang leading man, “Hindi ka mahirap maka-connect agad sa kanya. Actually noong umpisa kasi medyo kinakabahan pa ako, nahihiya pa ako. Pero siya kasi 'yung nag-approach agad sa'yo, and then iba kung paano siya kasi sobrang malambing, gentleman tapos pinagluluto ka pa. Sino ba naman ang hindi mahuhulog pag ganun 'di ba ang makakasama mo? So si Kuya Gabby, tatayo pa lang 'yan very president, ang gwapo pa. Ang gwapo pa! So sino ba naman ang hindi mahuhulog sa kanya?”

Excited na ba kayong kiligin sa bagong dream love team ng primetime? Abangan sina Sanya, Gabby at buong cast ng First Yaya ngayong Lunes, March 15!

Silipin ang full trailer ng programa sa video sa itaas at kilalanin ang characters ng First Yaya sa gallery na ito: