
Pati kapwa nilang artista ay hindi nakapagpigil mag-react nang ibahagi nina Cassy Legaspi at Joaquin Domagoso ang kanilang nakakakilig na photos mula First Yaya.
Bago magtapos ang buwan ng Abril ay sumalang na sa ika-apat na lock-in taping ang cast ng high-rating Kapuso rom-com series na pinagbibidahan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.
At kuha sa behind-the-scenes ng kanilang pagbabalik-trabaho ang closeness at chemistry ng dalawang batang Kapuso stars.
Tila aso't pusa man ang kanilang characters bilang sina Nina at Jonas sa First Yaya, hindi maitatangging malapit sina Cassy at Joaquin sa isa't isa. Pansin ito hindi lamang sa kanilang mga litrato ngunit pati na rin sa kanilang caption.
Kapag ipinatugma kasi ang kanilang Instagram posts ay mababasa ang “We finish each other's sandwiches.”
Umani ng iba't ibang reaksyon ang kanilang matching posts mula sa kanilang First Yaya co-stars, fellow Kapuso talents, at fans.
Komento ng ina ni Cassy na si Carmina Villarroel, “Nasaan ang mga PSG????
Kilalanin pa si Cassy sa pamamagitan ng gallery na ito:
Kilalanin din si Joaquin dito:
Lalo pang kiligin sa First Yaya tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8 P.M. Para sa mga Kapuso abroad, maaari ring bisitahin ang http://www.gmapinoytv.com/subscribe para sa kumpletong detalye kung paano puwedeng mapanood ang First Yaya overseas.
Samantala, silipin ang iba pang characters ng modern-day fairy-tale story na ito sa gallery sa ibaba: