What's on TV

Sanya Lopez, may pagbati sa isang batang babae na nagdamit a la Yaya Melody ng 'First Yaya'

By Aaron Brennt Eusebio
Published May 5, 2021 2:45 PM PHT
Updated May 5, 2021 2:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez and 11-year-old Marina Soliman


Aprub kaya kay Sanya Lopez ang kasuotan ng 11 taong gulang na si Marina Soliman?

Nakatanggap ng mensahe ang 11 taong gulang na si Marina Soliman mula sa bida ng First Yaya na si Sanya Lopez.

Sa ika-11 kaarawan kasi ni Marina ay napili niyang magsuot ng damit na pang-yaya, katulad ng suot ni Sanya bilang si Yaya Melody.

"Hi, Ina! Kumusta ka? Happy, happy birthday sa'yo. Balita ko ang gusto mo raw ay maging si Yaya Melody? Dapat naka-costume ka na pang Yaya Melody," saad ni Sanya sa isang video.

"Sana makita kita soon at sana lagi ka lang safe and lagi ka pa rin susunod kina mommy at daddy."

First Yaya

Sa 'First Yaya,' ginagampanan ni Sanya Lopez ang karakter ni Yaya Melody, ang nag-aalaga sa pamilya ni President Glenn Acosta, na ginagampanan naman ni Gabby Concepcion. / Source: concepciongabby (IG)

Ayon sa ina ni Marina, gabi-gabi tinututukan ng kanyang anak ang First Yaya na mapapanood sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

"Dati po, ang mga favorite niya pong ipagawa na costume is 'yung mga Disney princesses po," kuwento ni Nina Soliman sa report ni Lhar Santiago sa 24 Oras.

"This time, nung nagsabi siya sa akin ng little yaya, sabi ko, 'Sure ka?'

"Sabi niya, 'Opo, Ma. Gusto ko po maging Yaya Melody.'"

Pag-amin naman ni Marina, naramdaman niyang siya si Sanya Lopez noong isuot niya ang damit.

"Feel na feel ko po siya, feel na feel ko si Yaya Melody," saad niya.

"Parang kilala po ako ni Ate Sanya. 'Yung paglaki ko, magiging mabait rin po ako.

"'Pag laki ko po, magiging isang katulad ko po si Ate Melody."

Bukod sa pagsusuot ng damit na mga ginagamit ng mga yaya, ginaya rin ni Marina ang trending na eksena ni Sanya habang nakasuot ng two-piece bikini.

Panoorin ito sa video sa itaas. Kung hindi nagpeplay, pumunta DITO.

Bukod kina Sanya at Gabby, maraming artista rin ang nagpamalas ng kanilang galing sa First Yaya. Kilalanin sila rito:

Samantala, tingnan ang ilang pang remarkable roles ni Sanya Lopez sa gallery na ito: