TV

Maxine Medina, bakit tinatarayan ng mga kaibigan tuwing magkikita-kita sila?

By Aaron Brennt Eusebio

Damang-dama na ng mga manonood ang lalong gumagandang istorya ng top-rating primetime show na First Yaya.

Marami ang naaawa kay Melody na ginagampanan ni Sanya Lopez pero mas marami ang naiinis sa kontrabida ng show na si Maxine Medina.

Ginagampanan ni Maxine si Lorraine, ang kaagaw ni Melody sa puso ni President Glenn Acosta.

Sa katunayan, ramdam na ramdam ni Maxine ang inis ng mga tao sa kanya sa social media.

"Sobrang dami, Tito Lhar, as in. Ang ginagawa ko lang, since natutuwa ako dahil effective, nireretweet ko na lang lahat," kuwento ni Maxine kay Lhar Santiago sa 24 Oras.

Kahit mga kaibigan niya, apektado rin daw sa pagganap ni Maxine sa First Yaya.

"Every time na may gathering kami, kahit 'yung mga friends ko, 'Hoy Lorraine! Lorraine halika nga rito. Ako ang Lorraine ngayon ha, hindi ikaw,'" kuwento ni Maxine.

Ano kaya ang mangyayari sa kuwento ni Lorraine?

Tumutok lang sa huling dalawang Linggo ng First Yaya, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Samantala, kilalanin pa ang ibang mga bida ng First Yaya dito: