
Ilan sa mga karakter na hindi malilimutan sa top-rating GMA primetime show First Yaya ang magkakapatid na sina Nina (Cassy Legaspi), Nicole (Patricia Coma), at Nathan (Clarence Delgado), mga anak ni President Glenn Acosta na ginagampanan ni Gabby Concepcion.
Dahil sa tagal ng pagsasama at nabuong pagkakaibigan, hindi na lang sa drama magsisilbing ate si Cassy para kina Patricia at Clarence kung hindi maging sa totoong buhay.
Ipinarating ni Cassy ang kanyang pasasalamat para kina Patricia at Clarence sa Instagram at binalikan din ng aktres ang mga alaala nang una nilang pagkikita.
"These are just one of the million memories that were captured. I love you N3! Thank you for letting me be your ate and the bunso at the same time. I'm so lucky that I gained a little brother and a little sister. The both of you made me happy in so many ways," pagbabahagi ni Cassy.
Ipinaalam din ni Cassy kina Patricia at Clarence na proud ate siya sa mga ito at hinihiling ang marami pang oportunidad para sa dalawa.
"And I'm so excited to see you guys get showered with more blessing and opportunities. Super proud ako sa inyong dalawa, you are both so talented and deserving! Kung andito si Ate Nina para kay Nicole & Nathan... Andito na rin si Ate Cassy para kay Patricia & Clarence," dagdag pa ng aktres.
Sa comment makikita din ang pagsuporta nina Patricia at Clarence para sa kanilang ate.
Samantala, tingnan ang gallery na ito ng First Yaya: