TV

WATCH: May bagong pagsubok na hinarap sina Valeen Montenegro, Pekto Nacua, Katrina Halili at Archie Alemania sa 'Follow Your Heart'

By ANN CHARMAINE AQUINO

Nitong Linggo, June 11, ay ipinakita ng Follow Your Heart ang ikalawang bahagi ng kanilang pasubok kasama ang Tribong Dumagat. 

Umaga pa lang ay mabibigat na pagsubok na agad ang hinarap ng Team Pekto-Leen (Pekto Nacua at Valeen Montenegro) at Team Kat-Chie (Katrina Halili at Archie Alemania). Kinailangan nilang mag-igib at mangisda bilang pagsisimula ng kanilang araw.

Bago pa man makarating sa batis para makapaglaba at makaligo, matarik na daan muna ang tatahakin ng Team Kat-chie.

Next challenge ay ang pagpasok ng dalawang teams sa "Kuweba ng Hapon" kung saan naging kuta at taguan umano noong World War II.

Mukhang nagkainitan yata ang Team Kat-Chie. Panoorin kung bakit.

Sa huli, ibinahagi ng Team Pekto-Leen at Team Kat-Chie ang kanilang mga natutunan sa mga pagsubok ng Follow Your Heart.