
Puno ng excitement ang award-winning child actor na si Euwenn Mikaell para sa kanyang kauna-unahang TV lead role sa Forever Young, na malapit nang mapanood sa GMA Afternoon Prime.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, sinabi ni Euwenn na "ginalingan" niya sa Forever Young.
Sa inspiring family drama, talaga namang challenging ang role ni Euwenn dahil bibida siya bilang isang 25-year-old na may panhypopituitarism, isang rare medical condition kung saan naapektuhan ang paglaki nito.
"Ako po rito ay si Rambo Agapito," pagpapakilala ni Euwenn sa kanyang karakter. "Si Rambo po ay isang 25 years old na na-trap sa katawan ng 10 years old dahil po sa kondisyon niya na panhypopituitarism kung saan po naapektuhan ang paglaki niya.
“It's amazing kasi bida ako ngayon. Dito first time kong teleserye na bida naman. Maganda po ito. Naging mayor ako. Mayor e ang liit-liit ko, akala ko magiging anak lang ako ulit.”
Nang tanungin kung bakit dapat na abangan ng manonood ang Forever Young, ani Euwenn, "Abangan n'yo po ako kasi alam n'yo naman po 'yung iba kong mga palabas at movie lagi kong ginagalingan. 'Di ba Forever Young, e 'di forever kong gagalingan.”
Sa serye, makakasama ni Euwenn sina Michael De Mesa, Eula Valdes, Rafael Rosell, Alfred Vargas, Nadine Samonte, James Blanco, Matt Lozano, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, and Abdul Raman.
Abangan si Euwenn sa Forever Young, simula October 21 sa GMA Afternoon Prime.
Panoorin ang teaser ng Forever Young sa video na ito: