
Patuloy na umaarangkada sa ratings ang pinakabagong afternoon series ng GMA na Forever Young, na pinagbibidahan ng award-winning Kapuso child actor na si Euwenn Mikaell.
Simula pa lamang ay mainit na ang naging suporta ng manonood sa inspiring family drama kung saan nakapagtala ng 7.1 percent na TV ratings ang unang episode nito na umere noong Lunes, October 21. Ito ay base sa preliminary/overnight data ng NUTAM People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.
Noong Martes at Miyerkules, nakapagtala ang Forever Young ng 6.8 at 7.2 percent na ratings. Mas lalo pa itong tumaas noong Huwebes kung saan nakakuha ito ng 7.8 percent.
Tampok sa Forever Young ang pambihirang kuwento ni Rambo Agapito (Euwenn), isang 25-year-old na may kakaibang kondisyon na tinatawag na panhypopituitarism, na nakaapekto sa kanyang paglaki. Sa kabila ng kaibahan, lalaban siya bilang mayor ng bayan ng Corazon.
Kasama ni Euwenn Mikaell na nagbibigay inspirasyon sa serye sina Michael De Mesa, Eula Valdes, Rafael Rosell, Alfred Vargas, Nadine Samonte, James Blanco, Matt Lozano, Dang Cruz, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, at Abdul Raman.
Patuloy na subaybayan ang Forever Young, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
MAS KILALANIN ANG CAST NG FOREVER YOUNG SA GALLERY NA ITO: