
Walang ibang nagawa ang mag-asawang Juday (Nadine Samonte) at Gregory (Alfred Vargas) kung hindi ipagtapat sa kanilang mga anak na sina Raine (Althea Ablan) at Riley (Princess Aliyah) ang katotohanan na hindi nila tunay na kapatid si Rambo (Euwenn Mikaell).
Ito ay matapos na malaman nina Raine at Riley na hindi sila puwedeng maging blood donor ni Rambo dahil iba ang kanilang blood type sa huli.
Sa teaser na inilabas ngayong Martes (November 19), labis na ikinagulat nina Raine at Riley ang katotohanan na hindi nila kapatid si Rambo.
Inilabas din ni Riley ang hinanakit sa mga magulang dahil pakiramdam nito ay mas mahal nina Juday at Gregory si Rambo kaysa sa kanilang magkapatid.
Tuluyan na nga bang masisira ang magandang relasyon ng kanilang pamilya? Matanggap kaya nina Raine at Riley ang katotohanan na hindi nila kapatid si Rambo?
Subaybayan ang Forever Young, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
MAS KILALANIN ANG CAST NG FOREVER YOUNG SA GALLERY NA ITO: