GMA Logo forever young
What's on TV

Forever Young: May bagong witness sa mga krimen ni Esmeralda!

By Aimee Anoc
Published February 6, 2025 11:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Megan Young, Mikael Daez mark first Christmas as parents
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

forever young


Tuluyan na nga bang babaliktad si Olga (Patricia Tumulak) kay Rigor (James Blanco) at magsisilbing star witness sa mga krimen ni Esmeralda (Eula Valdes)?

Simula na ang pagbagsak ng maimpluwensyang gobernadora na si Esmeralda!

Nalaman na ni Eduardo (Michael De Mesa) na si Esmeralda (Eula Valdes) ang utak sa pambobomba noon sa kanyang pamilya, matapos itong ilantad ni Guada.

Sa political debate, ipinakita mismo ni Guada (Chanda Romero) ang video ng pag-uusap nina Esmeralda at Rigor (James Blanco) kung saan sinabi ng gobernadora na siya ang may kagagawan sa pagkamatay ng pamilya Malaque.

Sa Forever Young teaser na inilabas ngayong Huwebes, mapapanood na bukod kay Guada ay nakakuha si Eduardo ng bagong witness--si Olga (Patricia Tumulak).

Huwag palampasin ang maiinit na eksenang 'yan ngayong Huwebes sa Forever Young, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.