GMA Logo Forever Young episode 80
What's on TV

Forever Young: Aarestuhin na si Esmeralda sa salang murder!

By Aimee Anoc
Published February 7, 2025 10:34 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Captain, crew members in deadly Guyana ferry accident charged with murder
Dangerous drugs worth almost P700M destroyed in Cebu City
Ate, walang patawad kung manlait kay bunso | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Forever Young episode 80


Malusutan pa kaya ni Esmeralda ang kasong isinampa sa kanya ni Eduardo? Abangan ito sa 'Forever Young,' 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Sa pagbaligtad ni Olga (Patricia Tumulak) kay Rigor (James Blanco), nagkaroon ng bagong star witness si Eduardo (Michael De Mesa) na magpapatunay sa mga krimeng ginawa ni Esmeralda (Eula Valdes) sa kanyang pamilya.

Nabunyag ang mga krimen ni Esmeralda nang ibuking ito ni Guada (Chanda Romero) at ipakita sa publiko ang video ng pag-uusap nila ni Rigor kung saan sinabi ng gobernadora na siya ang may kagagawan sa pambobomba noon sa pamilya Malaque.

Sa teaser na inilabas ng Forever Young ngayong Biyernes, pilit na itinatanggi ni Esmeralda sa harap ng press ang mga akusasyong ibinabato sa kanya ni Eduardo.

Sa pagdating ni Eduardo kasama ang awtoridad, dito na inaresto si Esmeralda sa salang murder!

Malusutan pa kaya ni Esmeralda ang mga krimeng ginawa niya sa pamilya ni Eduardo? Abangan 'yan ngayong Biyernes sa Forever Young, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

BALIKAN ANG PAGBUKING NI GUADA SA KRIMEN NI ESMERALDA DITO: