TV

Kakaibang Regine Velasquez ang mapapanood sa 'Full House Tonight!'

By FELIX ILAYA

Ilang tulog na lang at mapapanood na natin ang pinakabagong Saturday night variety show ng GMA na Full House Tonight!


Sa press conference ng naturang show, game na game ang lead host at singer ng show na si Regine Velasquez na makipag-interact at kulitan sa press.


Ayon kay Regine, kaiba ang Full House Tonight! sa mga shows na nagawa na niya before dahil iba't-ibang sides ang kaniyang ipapakita dito.

Aniya, "Mayroon silang ibang makikita, bukod sa kumakanta ako, makikita nila akong nagpapatawa and I'm with a group of crazy people who will make you laugh every Saturday."

At kahit beterana na ang Asia's Songbird sa industriya, inamin naman niya na challenge pa rin sa kaniya ang show na ito.

"First time ko magkaroon ng ganitong klaseng show. 'Yung mga ginagawa kong soap, medyo comedy pero hindi siya parang live [na] setting. Mahirap gawin 'yung show kasi pag nagko-comedy, I use my voice a lot so by the time na kailangan kong kumanta, namamalat na ako. Pero lahat ng 'yon, okay lang sa akin, kaya naman ng powers ko," saad ni Regine.

Masaya rin si Regine sapagka't ramdam niya ang pagpapahalaga ng kaniyang home network sa mga ideya niya.

"You know what I like about working with GMA? They hear my crazy suggestions, they hear my ideas, [and] they make me part of the creative part of the show. So ganoon din dito [sa Full House Tonight!], before they do anything, they will always ask me and I appreciate that very much. As an artist nakakatuwa 'yung feeling na tinatanong ka kung 'Pwede ba ito gawin sa show natin? May idea ka ba?' Kaya I love working with GMA kasi lagi akong mayroong ganoon," anang singer.

Sa huli ay nag-iwan ng mensahe si Regine, "We would like to thank GMA for giving us this really fun show and we are all very excited. We hope that you guys will support Full House Tonight!, we have music, dancing, at siyempre napaka-raming tawanan."


MORE ON REGINE VELASQUEZ:

Regine Velasquez hosts a dinner party for Team 'Full House Tonight!' 

LOOK: Regine Velasquez, nagsimula na mag-taping para sa panibagong show 

Regine Velasquez and Leila Alcasid bond in autism awareness event