TV

Dennis Trillo, pressured nang mapiling first guest sa pilot episode ng 'Full House Tonight!'

By FELIX ILAYA

Ngayong Sabado (February 18) na ang first episode ng pinakaaabangang musical-comedy show sa pangunguna ni Regine Velasquez na Full House Tonight! kaya naman dapat lang na isa sa mga prime stars ng Kapuso network ang mapiling mag-guest sa pilot episode.

Nararapat lang na walang iba kung hindi si Dennis Trillo ang bumida sa unang pasabog ng Full House Tonight!

 

Sa exclusive interview with Dennis, inamin ng aktor na masaya siyang mag-guest sa pilot episode ng show kahit may kaunting pressure na makapagbigay ng quality performance.

"Nakakatuwa na lagi nila akong kino-consider sa mga pilot episodes kaya naman 'yung kaba, nandyan 'yan palagi para lagi kang up on your toes. [Dapat] lagi mong ipakita na worthy ka na pang-pilot episode talaga," pag-amin ni Dennis.

Dagdag kaba pa para kay Dennis na makasama ang Asia's Songbird sa entablado.

Ayon sa aktor, "Every time na kasama ko sa stage si Miss Regine Velasquez, doon ako talagang kinakabahan lalo na 'pag may kantahan. Kasi 'yung presence niya, parang nakaka-intimidate at nakaka-starstruck kahit ilang beses ko na siyang nakakatrabaho."

Mabilis namang nawala ang pressure at kaba nang makasama niya ang iba pang komedyanteng mapapanood dito.

"Syempre dito sa Full House Tonight!, 'di ka lang basta kakanta 'eh, may mga sketches na gagawin at pagpapatawa. Makikigulo ka sa cast kasi isa siyang masayang ensemble na cast [at] para ka lang nakikipaglaro at nakikigulo sa buong barkada, hindi mo masyadong nararamdaman na nagtatarabaho ka," sabi ni Dennis.

Maliban pa dito, masaya rin si Dennis na maraming komedyante ang nabibigyan ng opportunity na magpatawa on TV.

"Nakakatuwa lang na makasabay sa stage ang mga katulad nila na sobrang talented at nakakatuwa na nabigyan sila ng chance para i-showcase 'yung talents nila dito," wika niya.

Sa huli ay nag-iwan si Dennis ng mensahe sa kaniyang fans tungkol sa mga dapat abangan sa Full House Tonight!

Ani ng aktor, "Asahan ninyo, talagang isang masayang show, total package! Hindi lang kantahan at sayawan, meron pang mga aktingan at kulitan kaya abangan ninyo ang Full House Tonight!"

MORE ON FULL HOUSE TONIGHT!:

Bakit love ni Regine Velasquez na makatrabaho ang mga bakla? 

Kakaibang Regine Velasquez ang mapapanood sa 'Full House Tonight!' 

IN PHOTOS: 'Full House Tonight!' press conference