TV

Barbie Forteza at boys ng 'Meant To Be,' sasabak sa 'Full House Tonight!'

This Saturday, February 25, makikigulo si Barbie Forteza at ang boys ng Meant To Be na sina Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner at Addy Raj sa Full House Tonight!

Sa panayam kay Barbie, hindi niya raw in-expect ang mga gagawin nilang kabaliwan sa show.


"Nako grabe, marami po kayong aabangan sa Full House Tonight! Jusko, kahit ako hindi makapaniwala na ginawa ko 'yon, considering na ako na 'yon, nahiya pa ako," pag-amin ng Kapuso drama princess.

Dapat din abangan ang song number ni Barbie kasama si Regine Velasquez.

Ani Barbie, "May aabangan kayong duet namin ng Asia's Songbird, kakaiba 'yon, binigay ko talaga 'yung best ko."

Ayon naman kay Ken, sobra raw silang nag-enjoy sa Full House Tonight!

"'Yung experience namin dito, sobrang saya! 'Yung mga pinaggagagawa namin, sumayaw kami, umarte at sobrang in-enjoy lang namin 'yung mga segments namin," saad ng aktor.

Si Ivan naman ay tuwang-tuwa na makatrabaho si Regine.

Aniya, "Kakaiba 'yung feeling na kasama mo 'yung Asia's Songbird, ngayon may kuwento na ako sa mom ko na nakatrabaho ko si Regine Velasquez."

MORE ON 'FULL HOUSE TONIGHT!':

Full House Tonight!: Ang unang pasabog

WATCH: Dennis Trillo, may limang kapatid na bakla?

Pilot episode ng 'Full House Tonight,' nag-trend sa Twitter