TV

ExB Rules!: Nasaan ang Ex Battalion?

By Bianca Geli

 

Samahan ang Ex Battalion sa una nilang mall show sa episode 2 ng ExB Rules!

Pumunta sa Alabang sina Flow-G, King Badger, at Brando para sa isang back-to-school event kung saan sila’y nag-perform para sa mga kabataan at Ex B fans.

Kuwento ni King Badger, “First ever mall show namin as a group.”

Panibagong experience din para sa Ex B ang umattend sa isang back-to-school event. Ayon kay Flow-G, “Kahit ako ‘nung nag-aaral ako, hindi ako nakaka-attend sa mga ganyan.”

Kulang man ang members, naging maingay pa rin ang kanilang performance dahil sa ibang level ng pagpapasaya sa mga manonood. Kuwento ni King Badger, “Wala si Mark (Bosx1ne), Skusta, at Emcee Rhenn, pero kakayanin namin itawid ‘tong performance na ‘to.”

May pasilip din sa kanilang kulitan moments backstage bago ang kanilang intense performance sa Isabela City tour kasama sina Bosx1ne, Skusta Clee at Emcee Rhenn.

Panoorin ang iba pang adventures ng Ex Battalion sa ExB Rules!

Watch the latest episodes of ExB Rules! uploaded every Monday at 5PM on ‘GMA ONE (Online Exclusives)’ on gmanetwork.com/gmaone.