TV

Gil Cuerva, sinagot kung walang daya ang photos sa kanyang underwear campaign

By Maine Aquino

Isang fun Q&A ang inihanda ni Arra San Agustin mula sa kanyang Facebook live for Taste MNL. Dito nakasama niya ang Taste Buddies host na si Gil Cuerva.

Kakaiba ang ginanap na Q&A na ito dahil kailangang kainin ni Gil ang spicy chicken wings kapag ayaw niyang sagutin ang mga tanong. Sa Taste Buddies episodes kapansin pansin ang weakness ni Gil sa spicy food kaya naman ito ay matinding challenge para sa Kapuso hunk.

Isa sa mga tinanong ni Arra kay Gil ay ang tungkol sa kanyang latest underwear campaign. Tanong ni Arra, "Now that you are an underwear model, masasabi mo ba na all-natural ang pictures mo at hindi ka naglalagay ng palaman to enhance your body tulad ng ginagawa ng iba?"


Agad na sagot ni Gil, "Of course, it's all natural! Excuse me, I'm not fake!"

Dagdag pa ni Gil, "Ayoko sa mga fake diyan. Ang daming fake."

Nangako naman si Gil na hindi siya nagpapa-enhance ng photos.

"I promise legit 'yun. Hindi ako nagpapa-fake whatever, Photoshop or anything. All natural!"

Bukod sa tanong na ito, may iba pang controversial questions si Arra para kay Gil, tulad ng sinong Kapuso star na na-imagine ni Gil Cuerva na nakahubad, celebrity na ayaw niyang makatrabaho ever, best and worst on-screen kiss, at kung okay na ba ang puso ni Gil.

Panoorin ang live ni Arra for Taste MNL para sa mga sagot ni Gil.