TV

WATCH: Boobay at Tekla, sumabak sa Scare Box Challenge

By Cherry Sun

Nagpagalingan sa pagkapa at paghula sina Boobay at Tekla sa Scare Box Challenge episode ng The Boobay and Tekla Show noong Huwebes, April 5.

Ang laugh-out-loud tandem at trending comedians ang nagtapat sa latest episode ng Kapuso digital comedy program. Sa tinawag nilang ‘The Beks and The Box,’ kailangan nilang matukoy ang mystery object sa loob ng box sa pamamagitan ng paghipo.

“'Wag mo ako binibigla, baka maospital na naman ako,” napasigaw si Boobay sa kanyang unang turn.

Ano kaya ang mga nakakatakot na laman ng scare box?  At sino kina Boobay at Tekla ang magwawagi bilang Reyna ng Kapaan 2018?

Panoorin:


Ito ang weekly dose of good vibes mo! Tutok lang sa GMANetwork.com/TBATS, GMA Network YouTube channel, at GMA Network Facebook page tuwing Martes at Huwebes ng 5 P.M. para sa The Boobay and Tekla Show.