TV

WATCH: Boobay at Tekla, may forecast para sa mga mag-dyowa

By Cherry Sun

Nagbahagi ng predictions sina Boobay at Tekla tungkol sa mga in-a-relationship sa April 17 episode ng The Boobay and Tekla Show.

‘Dyowascope’ ang topic sa latest episode ng Kapuso digital program, at ito raw ang gagabay para mas tumibay ang relationship ng mga magnobyo at magnobya, base sa buwan ng kanilang anniversary.

Sa aling buwan ng anniversary kaya inabisuhan ng laugh-out-loud tandem at trending comedians na 'wag muna magpakasal? Bakit magiging makulay ang relationship ng mga may anniversary na Mayo? At bakit nila nasabing 'wag maging seloso at selosa ang mga may anniversary tuwing Agosto?

Panoorin:

 

Ito ang weekly dose of good vibes mo! Tutok lang sa GMANetwork.com/TBATS, GMA Network YouTube channel, at GMA Network Facebook page tuwing Martes at Huwebes ng 5 P.M. para sa fresh episodes ng The Boobay and Tekla Show.