TV

READ: Pagbabalik ng 'The Boobay and Tekla Show,' ikinatuwa ng netizens

By Cherry Sun

Talagang ikinatuwa ng netizens ang pagbabalik ng fun-tastic duo nina Boobay at Tekla sa panimula ng season 2 ng The Boobay and Tekla Show nitong Martes, August 7.

Pikunan agad ang pambungad nina Boobay at Tekla dahil sinubukan nilang sagutin at intindihin ang mga nakakatuwa at nakakalokang letters mula sa kanilang mga manonood. Ilan sa mga hinarap na tanong ng laugh-out-loud tandem at trending comedians ay kung sang-ayon sila sa pagsali ng transwoman sa Miss Universe pageant, pagiging sanhi ng kamalasan sa mundo, at pagsalo nila ng kapangitan.

Nag-uumapaw ang good vibes online dahil na rin sa saya at excitement ng netizens sa kanilang panonood.

Panoorin ang season 2 premiere episode na “Pikunan Edition” dito, o bisitahin ang http://GMANetwork.com/TBATS, GMA Network YouTube channel, at GMA Network Facebook page!