TV

TBATS: Sheena Halili, pasasakayin sa kalabaw; Donita Nose, nabisto ang prank ni Tekla

By Cherry Sun

Nagbalik ang hit na 'Prank You' sa The Boobay and Tekla Show nitong Huwebes, November 15. Kung successful si Boobay sa panloloko kay Sheena Halili, naisahan naman si Tekla ng bibiktimahin sana niyang si Donita Nose.

Tinawagan ni Boobay si Sheena para alukin ng raket sa isang fiesta sa Tuguegarao. Pumayag kaya ang aktres na sumakay sa kalabaw? Samantala, nagpanggap si Tekla na isang artista aspirant na humihingi ng tulong kay Donita Nose. Ang hindi alam ni Tekla, nakilala pala ng komedyante ang kanyang boses at nakisakay na lang sa kanyang biro.

Panoorin:

Napa-laugh trip naman ang netizens hindi lang sa panloloko ng ating fun-tastic duo pero pati na rin sa mga naging reaksyon nina Sheena at Donita Nose.

Tuloy-tuloy ang good vibes! Tutok lang sa The Boobay and Tekla Show sa GMANetwork.com/TBATS, GMA Network YouTube channel, at GMA Network Facebook page tuwing Huwebes ng 5 P.M.