TV

Contract signing ng 'It's Showtime' at GTV, mapapanood mamaya via livestream!

By Dianne Mariano

Isang bagong makasaysayang pangyayari sa Philippine TV ang masasaksihan dahil gaganapin ngayon ang contract signing sa pagitan ng longest-running noontime variety show ng ABS-CBN na It's Showtime at GTV.

Sa post ng GTV sa kanilang official Facebook page, ibinahagi ang larawan tungkol sa naturang event at mapapanood ito via livestream sa It's Showtime, ABS-CBN, at GMA social media pages.

“Madlang People! G ka na ba sa Pang MALAKASANG plot twist of the year?

“#ItsShowtimeGnaG: The It's Showtime and GTV Contract Signing

“Ngayong June 28, Wednesday, 3:30PM

“Streaming LIVE via It's Showtime, ABS-CBN, and GMA social media platforms,” sulat sa caption.

Inanunsyo na rin ng ABS-CBN ang kaabang-abang na contract signing event sa pagitan ng It's Showtime at ng second free-to-air channel ng GMA-7 na GTV sa kanilang social media accounts.

Matatandaan sa “Today's Talk” segment ng Fast Talk with Boy Abunda noong June 20, ibinahagi ni GMA Network Chairman and CEO Felipe L. Gozon sa isang pahayag na magkakaroon ng contract signing ang GTV at It's Showtime.

“We are happy to provide a home to It's Showtime. We will have a big contract signing event soon,” aniya.

Noong July 1, pormal nang inanunsyo na mapapanood ang Kapamilya noontime variety show sa GTV simula July 1.

SAMANTALA, KILALANIN ANG KAPAMILYA STARS NA MULING MAPAPANOOD SA KAPUSO CHANNEL SA GALLERY NA ITO.