GMA Logo Chef Boy Logro
What's on TV

Chef Boy Logro, nagbabalik telebisyon!

By Maine Aquino
Published November 18, 2023 9:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cabral's last hours before fatal fall captured by hotel CCTV footage
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Chef Boy Logro


Muli na nating mapapanood si Chef Boy Logro sa GTV.

"Salamat, salamat sa opportunity!"

Ito ang sabi ni Chef Boy Logro nang kaniyang ibalita sa Surprise Guest with Pia Arcangel na siya ay nagbabalik telebisyon.

PHOTO SOURCE: YouTube: GMA Integrated News

Si Chef Boy ay huling napanood sa Idol sa Kusina sa GTV. Ngayon ay napapanood naman si Chef Boy sa Balita Ko na isang noontime GMA Network newscast na napapanood sa GTV.

Sa segment na "Balita Ko, Tsibugan na" mapapanood ang muling pagpapakita ni Chef Boy ng kaniyang talento sa kusina.

RELATED GALLERY: The quarantined life of Chef Boy Logro in Davao de Oro

Saad ni Chef Boy, sakto ang oras ng kaniyang segment dahil masasabayan ito ng mga manonood sa pagluluto.

"Tinututuruan ko ngayon 'yung mga Pilipino na lalung lalo na 10-11 o'clock lunch time. Kaya nanonood 'yung mga nanay natin, sumasabay sila, ano ang ginagawa ko."

Ipinaliwanag naman ni Chef Boy na nagbabalik siya sa telebisyon dahil sa hiling ng mga Kapuso viewers.

"Ayaw ko na sana kasi 67 years old na ako e. Sabi ko parang retirable na talaga. E okay pa naman ako, wala pa naman akong maintenance... Sabi ko sige na nga, after ng [seven] years or [eight] years yata dahil gusto rin ng taong bumalik ako, sa comments nila gusto nilang bumalik ako."

Sa huli, ipinahayag ni Chef Boy ang pasasalamat sa GMA Network dahil sa patuloy na pagtitiwala sa kaniyang talento.

"Marami salamat naman sa tiwala at kinuha ulit ako ng GMA at GTV."

Panoorin ang kabuuan ng interview ni Chef Boy sa Surprise Guest with Pia Arcangel.

Samantala, balikan ang mga naipundar ni Chef Boy Logro rito: