TV

'All of You' nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay, tampok sa GTV

Romantic ang ating weekend kasama ang pelikulang All of You nina Ultimate Star Jennylyn Mercado at Kapuso actor Derek Ramsay.

Napapanahon ang love story nito dahil magsisimula ang kanilang love story nang magkakilala sila sa pamamagitan ng isang mobile app.

Si Jennylyn ay si Gabby, isang babaeng nais nang mag-settle down. Si Derek naman ay si Gab, isang lalaking hindi naniniwala sa commitment.

Habang tumatagal ang kanilang relasyon, unti-unti ding lumalabas ang mga bagay na hindi nila magpagkasunduan.

Magkaroon kaya ng happy ending sina Gabby at Gab?

Abangan 'yan sa All of You, October 31, 12:00 pm sa Sine Date Weekends.

Pang Halloween naman ang hatid ng The Picture sa October 31, 9:15 pm sa pelikulang Scream 3, ang pangatlong installment sa hit slasher film series na Scream.

Para naman sa mahihilig sa martial arts films, nariyan ang A Chinese Odyssey sa G! Flicks, October 30, 7:55 pm.

Siyempre, hindi nakalimutan ng GTV ang mga action movie fans!

Mapapanood sa Afternoon Movie Break ang Joe Pring ni Philip Salvador, October 30, 2:00 pm; Manila Kingping: The Asiong Salonga Story ni ER Ejercito, October 31, 2:00 pm; at Hukom .45 ni Eddie Garcia, October 31, 4:00 pm.

Patuloy na tumutok sa GTV para sa ibang pang mga dekalidad na pelikula.
http://www.gtv.ph/