TV

Asian movie fans, may maagang pamasko mula sa GTV!

By Marah Ruiz

Siguradong matutuwa ang Asian movie fans sa mga inihandang pelikula ng GTV ngayong weekend.

Tampok kasi ang Hong Kong movie na 'Infernal Affairs III,' na bahagi ng iconic crime action film series na may parehong pamagat, sa November 14, 9:15 pm sa The Big Picture.

Bibida dito ang Hong Kong superstars na sina Andy Lau at Tony Leung. Gaganap sila bilang magkatunggaling mole at undercover cop.

Sa November 13 naman, mapapanood ang American superhero film na Bulletproof Monk na pagbibidahan ni Chow Yun Fat. Tunghayan ito sa Siesta Fiesta Movies, 2:00 pm.

Huwag din palampasin ang Shark Attack, starring Casper Van Dien sa G!Flicks, Novemer 13, 7:05 pm.

Kikiligin na naman tayo sa tambalan nina Angel Locsin at Richard Gutierrez sa I Will Always Love You, November 14, 12:00 pm sa Sine Date Weekends.

Para naman sa action movie fans, nandiyan pa rin ang Afternoon Movie Break. Panoorin dito ang Kamandag Ko Ang Papatay Sa 'Yo ni Ronnie Ricketts, November 13, 3:45 pm; Cordora ni Eddie Garcia, November 14, 2:00 pm; at Buhay Mo'y Buhay Ko Rin ni Bong Revilla Jr., November 14, 4:00 pm.

Patuloy na tumutok sa GTV para sa ibang pang mga dekalidad na pelikula.