TV

Tunghayan ang 'LSS' nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa GTV!

By Marah Ruiz

Magiging sweet ang ating weekend kasama ang real-life sweethearts na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos ngayong weekend sa GTV.

Mapapanood kasi ang kanilang musical romantic drama film na LSS sa December 19, 2:00 p.m. sa Sine Date Weekends.

Si Gabbi ay si Sara habang si Khalil naman ay si Zak at magkakakilala sila dahil sa musika ng Pinoy indie-folk band na Ben&Ben.

Para naman sa mga mahilig sa disaster film, nariyan ang Summer Shark Attack, December 18, 2:00 p.m. sa Siesta Fiesta Movies.

Huwag din palampasin ang Hollywood blockbuster hit na Teenage Mutant Ninja Turtles starring Megan Fox sa G! Flicks, December 18, 7:05 p.m.

Kaabang-abang din ang Hong Kong action thriller film na The Killer, starring Chow Yun Fat and directed by John Woo sa December 19, 9:15 p.m. sa The Big Picture.

Sigurado namang mag-e-enjoy ang mga action movie fans sa mga pelikulang hatid ng Afternoon Movie Break.

Nariyan ang Col. Elmer Jamias ni Jinggoy Estrada, December 18, 3:45 p.m.; Kung Patawarin Ka ng Bala Ko ni Edu Manzano, December 19, 2:00 p.m.; at Angel Molave ni Philip Salvador, December 19, 4:00 p.m.

Panoorin ang mga pelikulang 'yan at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.