TV

Tunghayan ang 'Si Agimat at Si Enteng Kabisote' ngayong Christmas weekend sa GTV!

By Dianne Mariano

Kasama mo ngayong Christmas weekend ang mga pelikulang inihanda ng GTV!

Sa mismong araw ng Pasko, December 25, tunghayan ang Si Agimat at si Enteng Kabisote, 3:00 p.m. sa Afternoon Movie Break.

Sa 2010 Metro Manila Film Festival entry na ito, magsasanib puwersa si Enteng Kabisote (Vic Sotto) at si Agimat (Bong Revilla) para sagipin ang kanilang mga mundo.

Huwag din palampasin ang action film na Gemini Man ni Will Smith sa December 25, 7:05 p.m. sa G! Flicks.

Sa December 26 naman, tunghayan ang romance drama film na Ang Kwento Nating Dalawa sa Sine Date Weekends, 12:00 pm

Tungkol ito sa relasyon ng isang filmmaker at isang aspiring writer at pinagbidahan nina Nicco Manalo at Emanuelle Vera.

May inihanda rin ang Afternoon Movie Break para sa mga action movie fans sa December 26. Panoorin ang Babangon Ang Huling Patak ng Dugo starring Bong Villafuerte, 2:00 pm; at Hula Mo, Huli Ko ni Rudy Fernandez, 4:00 p.m.

Tunghayan din ang Christmas movie na Her Magical Christmas na tungkol sa isang heartbroken na babae na makakatanggap ng mga mahiwagang Chirstmas ornaments sa December 26, 9:1 p.m. sa The Big Picture.

Panoorin ang mga pelikulang 'yan at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.