TV

'Enteng Kabisote,' New Year offering ng GTV!

By Marah Ruiz

Isang Pinoy favorite ang hatid ng GTV ngayong Bagong Taon.

Tunghayan ang Enteng Kabisote: OK Ka Fairy Ko... The Legend, ang first installment ng Enteng Kabisote film series at pangatlong pelikula base sa hit sitcom na Okay Ka, Fairy Ko!

Tampok dito si Enteng (Vic Sotto) na lalabanan ang mga ang Reyna ng Kadiliman na si Satana (Bing Loyzaga) matapos nitong lagyan ang lason ang tubig sa mga dam sa mundo ng mga mortal.

Ang Enteng Kabisote: OK Ka Fairy Ko... The Legend ay bahagi ng 2004 Metro Manila Film Festival.

Naiuwi din ng pelikula ang Best Supporting Actor award para kay Jose Manalo.

Abangan ito sa January 1, 3:45 pm sa Afternoon Movie Break.

Panoorin din sa January 1 ang Mega Shark vs Mecha Shark, 2:00 pm sa Siesta Fiesta Movies at Spectre ni Daniel Craig, 7:05 pm sa G! Flicks.

Isa na namang Vic Sotto comedy flick ang mapapanood sa January 2, ang 'D Sister Nuns of the Above 12:00 pm sa Siesta Fiesta Movies.

Huwag din palampasin ang action flicks ng Afternoon Movie Break na Ermitanyo starring Dante Varona, 2:00 pm; at Ikasa Mo, Ipuputok Ko ni Philip Salvador, 4:00 pm.

Abangan din ang TV movie na Looks Like Christmas sa The Big Picture, 9:15 pm.

Panoorin ang mga pelikulang 'yan at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.