TV

Brillante Mendoza film na 'Mindanao,' tampok sa GTV ngayong weekend

By Marah Ruiz

Isang pelikula na humakot ng local at international awards na naman ang mapapanood ngayong linggo sa GTV.

Tampok ang pelikulang Mindanao mula sa ng award-winning director na si Brillante Mendoza sa Sine Date Weekend, January 23, 12:00 pm.

Pinagbidahan ito ng mga award-winning actors na sina Judy Ann Santos at Allan Paule. Kuwento ito ng isang babaeng Muslim na nag-aalaga ng anak niyang may cancer at naghihintay ng pagbabalik ng kanyang asawang combat medic.

Umani ang parangal ang pelikula para sa lead actress nitong si Judy Ann Santos na hinirang bilang Best Actress sa 41st Cairo International Film Festival.

Nasungkit din ni Brillante Mendoza sa parehong parangal ang Henry Barakat Award for Best Artistic Contribution.

Sa Pilipinas, humakot din ng mga pagkilala ang Mindanao sa 45th Metro Manila Film Festival, 18th Gawad Tanglaw, 22nd Gawad Pasado, 38th FAP Luna Awards, 7th Urduja Heritage Film Awards, at 14th Gawad Genio Awards.

Huwag din palampasin ang mga exciting Asian films na Kung Fu vs. Acrobatic ni Andy Lau, January 22, 2:00 pm sa Siesta Fiesta Movies; at Fight Back to School 2 ni Stephen Chow, January 23, 9:45 pm sa The Big Picture.

Para naman sa action movies fans, hatid ng Afternoon Movie Break ang Bastardo starring Ian Veneracion, January 22, 3:45 pm; Nandito Ako starring Philip Salvador, January 23, 2:00 pm; at Iligpit si Bobby Ortega: Markang Bungo 2 starring Rudy Fernandez, January 23, 4:00 pm.

Tunghayan din ang Hollywood film na Rampage ni Dwayne "The Rock" Johnson sa G! Flicks, January 22, 7:05 pm.

Panoorin ang mga pelikulang 'yan at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.