TV

'Spider-man 2' starring Tobey Maguire, tampok sa GTV ngayong weekend

By Marah Ruiz

Maaksiyon na naman ang weekend kasama ang mga pelikulang inihanda ng GTV. Huwag palampasin ang Spider-man 2 starring Tobey Maguire.

Ito ang pagpapatuloy ng kuwento ni Peter Parker na magdedesisyong tigilan na ang pagiging si Spider-man.

Pero nang biglang sumulpot ang isang scientist na may robotic arms, kailangan niyang muling harapin ang hamon ng pagiging isang superhero.

Abangan ang Spider-man 2, December 17, 7:00 p.m. sa G!Flicks.

Para naman sa mahilig sa romantic comedies, nariyan ang Dancing Through Christmas na saktong sakto para sa parating na holidays.

Kuwento ito ng isang ballet teacher na naghahanda ng isang production ng The Nutcracker at 'di inaasahang mahuhulog ang loob sa single dad ng isa sa kanyang mga estudyante.

Huwag palamapasin ang Dancing Through Christmas, December 18, 1:30 p.m. sa Siesta Fiesta Movies.

Panoorin ang mga pelikulang 'yan at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.