TV

Dr. Ferds Recio at Dr. Nielsen Donato, ibinahagi ang naging pundasyon sa 15 taon ng 'Born To Be Wild'

Isa sa mga programang kinikilala bilang tatak GMA Public Affairs ay ang nag-iisang wildlife, travel, and conservation program sa bansa na Born To Be Wild na pinangungunahan ng resident veterinarian ng GMA na sina Dr. Ferds Recio at Dr. Nielsen Donato.

Sa ika-15 taong anibersaryo ng naturang programa, binalikan nina Doc Ferds at Doc Nielsen ang kanilang mga pinagdaanan upang makabuo ng mga mapangahas na istorya tungkol sa estado ng wildlife sa Pilipinas.

Kuwento ni Doc Nielsen, “Fifteen years for the only wildlife show in the Philippines, Born To Be Wild, tumagal nang ganito. It's really no joke to film in the wild, especially in the Philippines. Di ba 'yung ating climate - mainit, uulan? Although sa environmental factors affect us also, 'yung mga equipment, kailangan mong ingatan. Pero most of the crew pa mula doon sa high, parang kami-kami pa rin 'yon. That's why siguro kahit mahirap i-shoot 'yung [Born To Be] Wild, hindi nagiging mahirap dahil we are one, 'yun 'yung sikreto ng Born To Be Wild.”

Hindi naman makapaniwala si Doc Ferds na malayo na ang narating ng kanilang programa at natutuwa siyang balikan ang mga istoryang kanilang ginawa noon.

Aniya, “Nakakatuwa kasi parang kailan lang nagkakasa kami ng istorya for our pilot episode and then now we're celebrating our 15th anniversary. 'Yung pinagdaanan namin noong buong 15 taon naalala mo, pinag-uusapan namin, tinatawanan namin. Masayang balikan at tignan 'yung mga nakaraan at 'yung mga istoryang ginawa namin in the past.”

Ayon pa kay Doc Ferds, malaking bahagi rin ng tagumpay ng Born To Be Wild ay ang mga tao sa likod ng produksyon nito na nakatulong nila upang ihatid sa mga manonood ang mga kuwentong pangkalikasan na bihira lamang maitampok sa telebisyon.

“Sa amin, nagawa na namin 'yung istorya. So the challenge right now is for them to gumawa ng bagong twist, gumawa ng bagong anggulo so that it will be more interesting doon sa ating mga audience kasi pareho naman 'yung mga shinu-shoot natin-ahas, mga issues, sa wildlife that we have here in the Philippines-kailangan talaga may bago at mayroon silang bagong mapapanood.”

Dagdag naman ni Doc Nielsen, buhay ang kanilang itinataya upang makabuo ng istorya para sa kanilang programa at hindi nila ito maisasakatuparan kung 'hindi sa tulong ng kanilang buong team.

Aniya, “Once we're there, inaalalayan natin 'yung ating mga bagong kasamahan tapos tulungan tayo. Minsan you cannot avoid na na-i-injure 'yung cameraman namin. There's always someone to pick him up and itutuloy natin 'yung shoot dahil sinabi nga namin na parang bumagyo man o nasa dagat ka, na talagang 'yung mga alon ay sobrang nakakatakot, once you have your team [kakayanin].”

Dahil sa mabusisi at matrabaho ang kanilang mga dokumentaryo, ibinahagi rin ni Doc Nielsen na maging ang mga lokal sa kanilang mga lugar na pinupuntahan ay nagiging parte na rin ng kanilang team.

“Ang Born To Be Wild, ang team namin magugulat kayo, average of four lang kami. Ang ika-5th na individual doon is not one person, but it's the locals. Kapag pinagsama mo 'yung Born To Be Wild team at saka 'yung locals, parang buong-buo na, parang basketball team na tayo. We can go wherever the story takes us,” ani Doc Nielsen.

Samantala, panoorin ang Born To Be Wild, tuwing Linggo, 9:00 ng umaga sa GMA.

KILALANIN ANG RESIDENT VETERINARIAN NG GMA AT BORN TO BE WILD HOST NA SI DR. FERDS RECIO SA GALLERY NA ITO