TV

Kim Rodriguez, unang beses gaganap bilang kontrabida sa 'Hanggang Makita Kang Muli'

By MARAH RUIZ

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com


Ibang Kim Rodriguez daw ang makikita ng mga manonood sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Hanggang Makita Kang Muli.

"Ibang-ibang Kim 'to! Kung 'yung dating Kim inaapi-api, ngayon lumalaban ako dito. Hindi ako pumapayag na ako 'yung aapihin. Ako ngayon 'yung mang-aapi," paliwanag ni Kim sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

WATCH: Hanggang Makita Kang Muli: Ang kuwento ni Ana 

Gaganap si Kim dito bilang si Claire—ang girlfriend ni Calvin, na gagampanan naman ni Derrick Monasterio. Siya ang magiging kahati ni Ana, na gaganapan ni Bea Binene, sa atensyon ng binata. Bukod dito, siya rin ang magiging kahati ni Ana sa puso ng kanyang tunay na ina.

"Ampon lang ako. Longing ako sa mother ko so nakilala ko si Ate Angelika (dela Cruz). Akala niya ako 'yung anak niya kasi kung saan ako napulot nung stepfather ko, doon nawala 'yung anak niya. Magpapanggap ako na anak niya," kuwento niya.

"Hanggang magpa-DNA test kami, hindi pala ako 'yung tunay niyang anak. Pero parang in-adopt din niya 'ko kaya doon ako nakatira sa kanila. Ano ako dito, ambisyosang social climber!" natatawang paglalarawan niya sa kanyang karaketer.

Panonood ng mga pelikula na may mga 'di malilimutang kontrabida ang ginawang paghahanda ni Kim para sa role.

IN PHOTOS: 'Hanggang Makita Kang Muli' press conference

"Kasi first time ko to [na gaganap bilang kontrabida]. Sobrang na-excite ako. Challenging ito para sakin eh. Pinanood ko sila Vaness del Moral, Eula valdez. Nanood ako ng mga movie nila. Siyempre, humingi din ako ng advice kina Ate Ina Feleo," dagdag nito.

Abangan ang pagganap ni Kim bilang Claire sa Hanggang Makita Kang Muli, simula March 7 sa GMA Afternoon Prime.