TV

LOOK: Geneva Cruz, nag-react sa fight scene ng magkapatid na sina Rodjun at Rayver Cruz!

By Felix Ilaya

Parte na ng cast ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko si Rodjun Cruz bilang Ben. Siya ang boyfriend ni Katya, na ginagampanan ni Kim Domingo.

Geneva Cruz

Isa sa mga naging eksena ni Rodjun ang makitang magkasama sina Katya at Matteo, na ginampanan naman ng nakababatang kapatid niyang si Rayver Cruz.

Ikakaselos ito ni Ben at makikipagsuntukan pa kay Matteo.

Katya, sinubukang ayusin sina Yvie at Matteo | Ep. 19

In-upload ni Rodjun ang naturang fight scene sa kanyang Instagram.

A post shared by Rodjun Cruz (@rodjuncruz) on


Isa sa mga nag-react sa suntukan nina Rodjun at Rayver ang kanilang pinsang si Geneva Cruz.

"Omg! Waaaahhh! Intense! Ayoko n'yan parang totoo! Galing! Buti na lang sa totoong buhay best friends kayo! @rodjuncruz @rayvercruz," ani Geneva.

Ano kaya ang papel na gagampanan pa ni Rodjun bilang Ben na lalong magpapakulay sa kwento ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko?

Abangan ito from Mondays to Saturdays, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.