TV

Matteo confronts Naomi | Ep. 64

By Felix Ilaya

Isiniwalat ni Brooke (Denise Barbacena) kay Matteo (Rayver Cruz) ang sikreto ni Naomi (Kris Bernal). Sinabi niyang sumanib ang kaluluwa ni Naomi sa katawan ni Katya (Kim Domingo). Kukumprontahin naman ni Matteo si Katya upang malaman kung totoo nga ba ang sinasabi ni Brooke.

Malalaman na ba ni Matteo ang katotohanan tungkol sa pagkatao ni Katya?

Panoorin ang nakakikilabot na kuwento ng pag-ibig at pagseselos sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.