TV

Matteo, isusumbong kay Yvie ang sikreto ni Katya | Ep. 68

By Felix Ilaya

Sasabihin na ni Matteo (Rayver Cruz) kay Yvie (Megan Young) ang sikreto ni Katya (Kim Domingo) -- na nakasanib ang kaluluwa ni Naomi (Kris Bernal) kay Katya. Hindi paniniwalaan ni Yvie ang sasabihin ni Matteo sa pag-aakalang palusot lang ito ni Matteo.

Ngunit maniniwala na ba si Yvie kung si Santino (Euwenn Mikael Aleta) mismo ang magsabi sa kanya tungkol sa pagbabalik ni Naomi?

Panoorin ang nakakikilabot na kwento ng pag-ibig at pagseselos sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.