TV

Kim De Leon, thankful and blessed sa kaniyang showbiz career

By Maine Aquino

Binalikan ni Kim De Leon ang kaniyang mga pinagdaanan bago siya magkaroon ng kaniyang tinatamasang showbiz career ngayon.

Si Kim ay kinilala bilang Ultimate Male Survivor ng StarStruck season 7.

Sa mga tanong ng mga fans ni Kim sa Hangout, binalikan niya ang kaniyang buhay noong hindi pa siya nag-aartista, kaniyang pinagdaanan, at iba pa.

Photo source: @kimdeleon_

Isa sa mga tanong ng fans ng young actor ay kung ano sa tingin ni Kim ang kaniyang ginagawa ngayon sakaling wala siya sa showbiz.

Sagot ni Kim, posibleng itinuloy niya ang pag-aaral at pagko-commercial model.

"Siguro kung hindi ako artista, siguro college. Nasa college pa rin ako and nagpa-part time commercial model."

Ngayong nasa showbiz na si Kim, inamin niyang puno pa siya ng pasasalamat sa nangyari sa kaniyang career pagkatapos niyang manalo sa StarStruck.

"I am so thankful siyempre and I am so blessed.

Ikinuwento ni Kim na may mga pangarap pa rin siyang gustong tuparin.

"May mga pangarap pa rin ako siyempre na gusto kong abutin. For now kasi mas chill na ako ngayon, unlike before na mas nagwo-worry ako na baka hindi ko maabot 'yun. Pero I'm still working on myself para maabot ko lahat ng mga pangarap ko."

Ten years from now, umaasa si Kim na marami na siyang projects na nagawa at isa na siyang successful na aktor.

"Siguro gusto ko 'yung posisyon as an artist, siguro mas successful na and mas marami nang shows. Masaya na, sana, dapat masaya na after ten years.

"'Yung success naman subjective 'yun, nasa sa'yo 'yun.

Panoorin ang episode ng Hangout with Kim De Leon.

Kilalanin si Kim sa gallery na ito: