What's on TV

Royce Cabrera, hanga sa dedikasyon ni Claire Castro sa 'Nagbabagang Luha'

By Dianne Mariano
Published August 18, 2021 4:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile wildfires kill 19 amid extreme heat; scores evacuated
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Royce Cabrera and Claire Castro


Ibinahagi ni Kapuso actor Royce Cabrera ang kanyang experience nang makatrabaho si newbie actress Claire Castro sa 'Nagbabagang Luha.'

Ayon kay Kapuso actor Royce Cabrera, natutuwa siya nang makatrabaho si newbie actress Claire Castro sa GMA drama series na Nagbabagang Luha.

Sa episode ng Hangout nitong Agosto 17, punong-puno ng kasiyahan ang kuwentuhan nina Nagbabagang Luha stars Royce Cabrera at Claire Castro kasama ang kanilang fans.

Photo courtesy: Hangout

“Sobrang okay kasi kahit na parang medyo gulat pa si Claire sa role niya, sa bigat nung acting na ginawa niya dito sa Nagbabagang Luha, e talaga makikita mo na pinag-aaralan niya."

Saad niya, “I mean, pupunta ng set 'yan may lapis, ballpen, papel, sulat tapos makikita mo pinag-aaralan niya yung script.

“So nakakatuwa lang kasi talaga alam mo 'yun, seryoso din siya sa ginagawa niya.

“Ang saya ka-work ng mga ganoong tao na nagbibigay talaga ng effort sa trabahong binibigay sa kanila,” ani Royce.

Ibinahagi din ng aktor kung ano ang kanyang technique pagdating sa script reading.

“Depende kasi. May mga times kasi na sa isang araw medyo hindi naman loaded yung scene ko, so sa room palang inaaral ko na siya.

“Doon ko na siya nire-rehearse, doon ko na binibigyan ng objectives yung bawat scene para on-set, kumbaga naka-stuck na sa utak ko yung gagawin ko doon na mga eksena."

Tuwing loaded naman daw ang kanyang araw, nagdadala din siya ng notes upang hindi makalimutan ang kanyang mga eksena.

Samantala, naging inspirasyon ni Claire ang kanyang lola sa pag-arte.

Aniya, “Well, madami po akong inspiration kasi you can find inspiration from everyone you meet.

“If I were to narrow it down, sino 'yung inspiration ko, siguro po 'yung lola ko kasi hindi na po niya naabutan yung pag-ano ng career ko.”

Ibinahagi rin ni Claire na mayroong bashers ang kanyang karakter na si Cielo kaya naka-off muna ang kanyang DMs sa social media habang umeere ang show.

Panoorin ang buong masayang kuwentuhan nina Royce at Claire kasama ang kanilang fans sa Hangout video sa itaas.

Samantala, silipin ang lock-in taping ng Nagbabagang Luha sa gallery na ito: