TV

Jessica Villarubin, inaming naiyak nang mapabilang sa Expo 2020 Dubai

By Dianne Mariano

Ibinahagi ni Kapuso singer Jessica Villarubin sa bagong episode ng Hangout na hindi niya napigilang maging emosyonal nang malaman na siya ay kabilang sa Expo 2020 Dubai.

Noong March 30, matatandaan na ginanap ang event na ito sa Dubai Millennium Amphitheatre, Dubai Expo Grounds, kung saan nakasama ng The Clash Season 3 grand champion sina Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose at False Positive lead na si Xian Lim.

Kuwento ni Jessica, “Actually, very memorable sa akin kasi dream ko po talaga mag-perform, not just here in the Philippines, but also abroad. 'Di ba lahat naman pinapangarap talaga 'yan.

“Noong nalaman ko na pupunta ako ng Dubai, ayun naiyak talaga ako sa sobrang saya kasi 'di ko nga in-expect. As in, napakagandang experience for me. Ang dami kong na-realize na parang… puwede ka pala makapunta ng iba't ibang lugar dahil sa talento mo. As in, napakagandang experience.

Dagdag pa ni Jessica na kung siya ay papipiliin ng iba pang lugar kung saan magpe-perform, ito raw ay sa United States.

Panoorin ang buong kuwento ni Jessica Villarubin sa Hangout video sa ibaba.

Samantala, silipin ang transformation ni Jessica Villarubin sa gallery na ito.