TV

WATCH: Rocco Nacino at Sanya Lopez, naninibago pa rin sa characters nila sa 'Haplos'

By Michelle Caligan

Dahil isang taon silang gumanap bilang Aquil at Danaya sa Encantadia, hindi raw maiwasan nina Rocco Nacino at Sanya Lopez ang gamitin ang malalalim na Tagalog sa kanilang bagong Afternoon Prime series na Haplos.

WATCH: Unang patikim sa sexy scene nina Sanya Lopez at Rocco Nacino sa bago nilang afternoon soap

Sa interview ni Lhar Santiago ng 24 Oras kay Rocco, aminado ang aktor na maraming adjustment ang kanilang pinagdadaanan.

"Si Sanya, nagagamit pa rin niya ang 'upang, sapagkat.' Ako, 'yung 'aking,' mga malalalim na words," kuwento niya.

Dagdag pa ni Rocco, "Sinasabihan ko siya tuwing nakikita ko si Danaya sa character niya. Sabi ko rin sa kanya, 'Tell me if I'm being Aquil.'"

Pansamantala namang iiwan ni Rocco si Sanya para makisaya sa mga Pinoy sa Saudi Arabia sa gaganapin na Independence Day celebration doon ng GMA Pinoy TV sa June 30.

READ: Rocco Nacino and Betong Sumaya to bring fun and laughter to Philippine Independence Celebration in Saudi Arabia

Panoorin ang buong report dito:

Video courtesy of GMA News