TV

EXCLUSIVE: Thea Tolentino, hindi inasahang makikilala bilang kontrabida

By Marah Ruiz

Masaya si Kapuso actress Thea Tolentino sa panibagong role niya bilang si Lucille sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Haplos. Hindi raw niya alintana na kontrabida na naman ang kanyang role. 

"Natuwa naman ako kasi sunud sunod talaga ako mula The Half Sisters, tapos nagkaoon ng Once Again, Hahamakin Ang Lahat, Destined To Be Yours," panimula ni Thea sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

"Ang importante naman nate-train ko 'yung sarili ko. Sa workshops, nasasalang ako so natututo ako ng dire-diretso. Mas okay sa 'kin 'yung sunud-sunod 'yung trabaho," dagdag pa niya. 

Tila si Thea ang ginu-groom ng network para maging susunod na primera kontrabida. Naisip ba niya noon na ganito ang magiging takbo ng kanyang career? 

"Hindi! 'Yung unang [nasubukan] ko na parang kontrabida 'yung sa Anna KareNina. Nagustuhan yata nila 'yung naging reaksiyon ng mata ko sa isang eksena kaya kinuha nila ko for Pyra: Ang Babaeng Apoy. After Pyra, sinubukan nila kong gawing kontrabida sa Kambal Sirena. Nagustuhan nila, tapos pinatay ako doon, para makapasok sa The Half Sisters," kuwento niya. 

Bilang si Lucille sa Haplos, siya ang magiging tinik sa lalamunan ni Angela na gagampanan naman ni Sanya Lopez. 

Panoorin ang tagisan ng magkapatid na tila tubig at langis:

Abangan ang Haplos, simula July 10 sa GMA Afternoon Prime!