TV

WATCH: Sanya Lopez, na-prank na naman ni Rocco Nacino sa GMA Artistambayan!

By Marah Ruiz
 

Rocco Nacino strikes again!

Minsan na niyang na-prank ang kanyang leading lady na si Sanya Lopez sa set ng kanyang upcoming GMA Afternoon Prime series na        Haplos.

Gamit ang isang rubber snake, ginulat niya si Sanya sa gitna ng pagte-tape nilang ng isang eksena.

WATCH: Rocco Nacino pranks Sanya Lopez on the set of 'Haplos'

Ngayon naman, laruang ipis ang inihanda ni Rocco para sa aktres. 

Habang naka-live sila ng kanilang mga Haplos co-stars na sina Thea Tolentino at Pancho Magno sa Facebook live session na GMA Artistambayan, pasimpleng inilagay ni Rocco ang ipis sa sandwich ni Sanya. 

Panoorin ang reaksiyon ng aktres nang makita ang ipis sa pagkain niya!

Bukod dito, tinalakay nina Rocco, Sanya, Thea at Pancho ang kanilang mga roles sa kanilang upcoming series. Marami din silang sinagot na mga tanong mula mga Kapuso fans na excited na para sa Haplos. 

Naglaro din sila ng game kung saan ginaya nila ang mga lumang pictures ng isa't isa. 

Panoorin ang paglabas ng cast ng Haplos sa GMA Artistambayan: 

 

Huwag ding kalimutan ang pagsisimula ng Haplos sa July 10, pagkatapos ng Impostora sa GMA Afternoon Prime!