TV

Rocco Nacino bids goodbye to character in 'Haplos'

By Marah Ruiz

Emosyonal ang naging pagpapaalam ni Kapuso actor Rocco Nacino sa kanyang Haplos character na si Gerald.

Sa kanyang Instagram account, nagbahagi siya ng picture ng kabaong ni Gerald. 

"It was a good run. Maraming salamat sa lahat ng tumutok sa pagmamahalan nina Angela at Gerald. Mamimiss ko kayong lahat! It was an honor to be part of Haplos," sulat pa niya sa caption ng kanyang post. 

 

 

Sa takbo kasi ng istorya, mamatay si Gerald matapos kumain ng masanas na isinumpa. 

 

Pero tila hindi pa ito ang huling beses na makikita si Gerald sa serye. 

May balak pa kasi si Lucille, na ginaganapan ni Thea Tolentino, na buhayin siya gamit ang itim na salamangka. Magtagumpay kaya si Lucille?
 

Abangan ito sa Haplos, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Impostora sa GMA Afternoon Prime.