TV

Francine Prieto, natupad ang isang dasal dahil sa 'Haplos'

By Marah Ruiz

Sa pagtatapos ng hit GMA Afternoon Prime series na Haplos, iniwan na rin ng aktres na si Francine Prieto ang kanyang nakakaaliw na karakter na si Cedes. 

Naging mahalaga daw sa kanya ang kanyang role sa serye dahil katuparan ito ng isa sa kanyng mga hiling. 

"Matagal akong nagdasal na magkaroon ako ng regular TV show na matutuwa ako sa character ko," sulat niya sa kanyang Instagram account. 

Bukod dito, tila body positive din daw ang naging casting para sa role. 

"Hindi rin naging malaking hadlang ang weight ko para makuha ko ang role na Cedes," aniya. 

Nagustuhan daw niya ang pagganap sa karakter dahil malapit ito sa kanyang tunay na buhay. 

"Sobrang nag-enjoy ako sa loka-lokang character na ‘to, sabi nga ng ibang kakilala ko, parang ako lang daw in real life, grabe sila hahaha!" dagdag niya. 

Nagpasalamat din siya sa cast at crew ng Haplos dahil sa magandang mga alaala na madadala niya ngayong tapos na ang series nila.

"Mamimiss ko ang masayang samahan namin, mula sa mga artista hanggang sa production staff at crew," pahayag niya sa caption ng post. 

Siyempre, hindi rin niya nalimutang pasalamatan ang mga manonood. 

"At higit sa lahat maraming maraming salamat mga Kapuso for the support! Mabuti nang magtapos ang #Haplos nang mataas ang ratings. Hanggang sa muli!" pagtatapos niya. 

Naihabol pa ni Francine kung sino sa mga leading men ang gusto niyang makatuluyan sana ni Angela (Sanya Lopez). 

"Ang sakit sa heart na nategi si Benedict! Team BenGela ako eh!" pahabol niya. 

Basahin ang buong mensahe ni Francine: