TV

Happy ToGetHer: Nakidnap si Minzy?

By Aedrianne Acar

Mukhang masasangkot sa malaking problema ang pamilya ni Julian (John Lloyd Cruz) sa upcoming episode ng Happy ToGetHer ngayong April 16.

Pupunta sa bahay ni Julian si Atty. Pascua (Dominic Ochoa), tatay ni Minzy, para humingi ng tulong dahil akala nito nakidnap ang anak niya.

Ang hindi alam ni Attorney, nasa mismong bahay lang nila Julian ang dalaga at palihim na tinatago ni Joey (Vito Quizon).

Source: GMA Network

Maamin kaya ng bayaw ni Julian kung bakit niya inilihim ang pagtira ni Minzy sa kanila o mas lalo lang gugulo ang sitwasyon kung si Attorney Pascua pa mismo ang makakadiskubre kung nasaan ang kaniyang missing daughter?

Tingnan ang mangyayari sa fresh episode ng Happy ToGetHer, ngayong April 16 bago ang The Clash sa oras na 6:50 p.m..

KILALANIN ANG MGA LEADING LADIES NA NAG-GUEST SA HAPPY TOGETHER DITO: