TV

Happy ToGetHer: Double date with Shelly's parents

By Aedrianne Acar

Kailangang itodo ni Julian (John Lloyd Cruz) ang kaniyang charm dahil mami-meet na niya for the first time ang magulang ni Shelly sa upcoming episode ng Happy ToGetHer.

Aakalain ni Julian na magkaka-time na ulit sila ng girlfriend para sa isang sweet date pero malalaman niya na pupuntahan sila ng magulang ni Shelly para makilala na siya.

Mukhang awkward agad ang magiging meetup dahil namukaan nito ang tatay ni Shelly na minsan nang pumunta sa motorshop.

Ang problema, 'tila narinig ng tatay ni Shelly ang usapan tungkol sa mga dating karelasyon ni Julian!

Bad shot kaya agad ang ating bida sa mga magulang ng girlfriend?

Tutukan ang kulitan sa fresh episode ng Happy ToGetHer dahil makakasama natin sina Smokey Manaloto at Mickey Ferriols.

Tampok din this Sunday night sina Mike Penaloza, Ayeesha Cervantes, Cessa Moncera, at Nonong Ballinan.

Sama-samang manood ng Happy ToGetHer, ngayong April 30 bago ang The Clash sa oras na 6:50 p.m.

SILIPIN ANG EYE-CATCHING PHOTOS NI ARRA SAN AGUSTIN DITO: