TV

Happy ToGetHer: Julian, maso-solo si Bianca

By Aedrianne Acar

Si Julian (John Lloyd Cruz) ay mata-trap kasama si Bianca (Kylie Padilla)!

Titibok ng mabilis ang puso n'yo sa kilig episode ng Happy ToGetHer ngayong Linggo ng gabi,July 23.

Bibisita sa motorshop ang mestiza beauty na si Bianca at hihingi ng tulong para ayusin ang truck niya na gamit sa negosyo.

Kaso, mata-trap si Julian kasama si Bianca sa loob mismo ng truck at tila magiging awkward ang situation nilang dalawa.

Ano ang mangyayari habang magkasama ang ating guwapong bida at ang pretty nilang customer?

Magselos kaya si Shelly (Arra San Agustin) kapag nalaman kung sino ang kasama ng boyfriend?

Tutok lang sa matinding tawanan na hatid ng mga special guests natin this week sa pangunguna nina Sparkle actress Kylie Padilla, Sunshine Garcia, at Dyosa Pockoh sa Happy ToGetHer sa oras na 6:50 p.m. sa Sunday Grande sa gabi.

KILALANIN ANG ILAN SA MAHUHUSAY NA AKTRES NA NAGING GUEST SA HAPPY TOGETHER: