TV

Catch the finale of 'Happy ToGetHer' this coming August 6

By Aedrianne Acar

Linggo-linggo n'yo sinamahan ang daddy heartthrob na si Julian (John Lloyd Cruz) sa kaniyang mga adventure na puno ng tawanan at minsan may konting drama rin.

At sa darating na August 6, mapapanood na natin ang finale ng well-loved comedy program ng award-winning TV-movie star na si John Lloyd Cruz, ang first sitcom niya sa GMA-7.

Ang tanong ng marami, posible pa ba magkaayos si Julian at girlfriend niya na si Shelly (Arra San Agustin) matapos ang naganap sa kanilang camping?

Mas manaig kaya ang pagmamahal ng dalaga kay Julian sa kabila nang naglihim ito sa accidental kiss nila ni Bianca.

At sino itong pretty mom na makakasabay ni Julian na si Angie (Angel Aquino) sa isang biyahe?

Tunghayan ang exciting finale ng Happy ToGetHer with our special guests, versatile actress Angel Aquino!

Sasamahan pa siya nina Sunshine Garcia, Nonong Ballinan, at Dyosa Pockoh ngayon August 6 sa oras na 6:50 p.m. sa Sunday Grande sa gabi.

KILALANIN ANG ILAN SA MAHUHUSAY NA AKTRES NA NAGING GUEST SA HAPPY TOGETHER: