advertisement
TV

Arra San Agustin gets sentimental as 'Happy ToGetHer' airs its finale episode

1 of 15

Jasmine Curtis-Smith

Bumida sa world premiere ng 'Happy ToGetHer' last December 2021 si Jasmine Curtis-Smith na gumanap bilang si Kim. Umani rin ng samu't sari papuri si Jasmine online sa performance niya sa pilot episode ng sitcom.

2 of 15

Faith da Silva

Napansin din ng televiewers ang on-screen chemistry ni John Lloyd with 'Bubble Gang' star Faith da Silva na ginampanan ang role bilang Jenny.

Sa isang panayam, ibinahagi ng Sparkle drama actress ang ilan sa mga na-discover niya sa award-winning TV idol.

Kuwento ni Faith tungkol kay John Lloyd, “What I discovered about him is that palabiro siya pagdating sa kunwari hindi pa namin take, pero pagdating sa action na, as in nag-iiba 'yung face niya. Sobrang professional tsaka ang gaan niya katrabaho.”

3 of 15

Julie Anne San Jose

Mala-pelikula naman ang mga eksena nina Julian at soap opera actress na si Anna. Sino ba ang mag-aakala na mai-in love sa isang non-showbiz guy ang isang sikat na artista?

advertisement
4 of 15

Herlene Budol

Hipon for the win! Kinaiinggitan ang vlogger at comedian na si Herlene Budol ng milyun-milyong fans ni John Lloyd Cruz dahil bukod sa nakasama ang akor sa sitcom ay naka-kiss pa ito! Laugh trip din ang pagganap niya bilang Beauty sa 'Happy ToGetHer'.

5 of 15

Kim Domingo

Dream come true para sa Sparkle actress na si Kim Domingo na maka-eksena si John Lloyd nang minsan ito mag-guest sa patok na sitcom ng aktor. Bilang seksing kusinera, natikman ni Julian ang putahe niya na “Poot.” Nasarapan kaya ang ating daddy heartthrob?


Sa Instagram post ni Kim, tinawag pa niya na “my forever best actor” si John Lloyd.

6 of 15

Rhian Ramos

Nagkapag-guest din sa 'Happy ToGetHer' ang Kapuso Primetime actress na si Rhian Ramos na gumanap bilang Joy na teacher ni Joey.

advertisement
7 of 15

Michelle Dee

Agaw atensyon din ang guesting ng Sparkle beauty queen na si Michelle Dee na ginampanan ang role ng sexy biker na si Nica na may matinding hugot sa dati niyang boyfriend.

8 of 15

Andrea Torres

Nakilala natin ang nurse na si Emily na dating ex ng ating bida na si Julian. Inabangan ng mga manonood ang special appearance ni Andrea Torres sa 'Happy ToGetHer' na ipinamalas ang undeniable chemistry niya with the multi-awarded idol.

9 of 15

Max Collins

Mas extra hot ang Summer special ng patok na sitcom na 'Happy ToGetHer' noong 2022, dahil napanood din ang sexy mom na si Max Collins. Totoo kaya na opposites attract kahit magkaiba ng Zodiac signs sina Summer (Max Collins) at Julian?

advertisement
10 of 15

Sanya Lopez

Bumaha rin ng kilig nang mag-guest ang 'First Lady' star na si Sanya Lopez na gumanap bilang kasambahay na si Debby. Matatandaan na nagpanggap pa si Debby na may-ari ng mansyon nang makita nito si Julian na aayusin dapat ang vintage car ng kaniyang amo.

11 of 15

 Arra San Agustin

Ilang beses naman nag-trending sa Twitter ang episode ng 'Happy ToGetHer' sa tuwing special guest ng comedy show ang Sparkle beauty na si Arra San Agustin. From Miss Model, ngayong “babe” na ni Julian si Shelly na ginagampanan ni Arra. Siya na nga ba ang “forever” ng ating bida?

12 of 15

Beauty Gonzalez

Ipinamalas ni Beauty Gonzalez ang versatility niya nang maging guest sa 'Happy ToGetHer' bilang si Monica. Isa rin ba kayo sa kinilig sa naging “past encounter” nila ni Julian?

advertisement
13 of 15

Lianne Valentin

Hindi naiwasan ni Shelly na makaramdam ng konting selos sa chemistry ni Julian at ng kaibigan niyang si Jessy (Lianne Valentin) sa ginawa nilang wedding photoshoot. May ibubuga rin ang 'Royal Blood' actress na si Lianne Valentin pagdating sa rom-com.

14 of 15

Kaye Abad

Napa-throwback naman ang fans ng 'Tabing Ilog' sa muling pagsasama nina John Lloyd at Kaye Abad sa TV! Isa rin ba kayo sa fans na nag-wish na nagkatuluyan sina Rose at Julian?

15 of 15

Kylie Padilla

Mas lalong nakilala nina Julian at Bianca ang isa't isa nang ma-trap sila sa isang truck. Buong husay na ginampanan ng Sparkle actress na si Kylie Padilla ang role ng mestiza beauty na si Bianca.

advertisement