TV

Happy ToGetHer: Jenny, nanakawin ba ang puso ni Julian?

By Aedrianne Acar

Si Julian, napagkamalan na magnanakaw ng side mirror sa Happy ToGetHer?

Hindi maganda ang unang pagkikita ni Julian at ni Jenny (Faith da Silva) na inakalang ninakaw ng guwapong mekaniko ang side mirror ng kanyang sasakyan.

Hindi ba matitigil ang bangayan ng dalawa o tatablan din ang puso ni Jenny kapag nalaman nito ang kuwento tungkol sa pamilya ni Julian?

Panoorin ang kilig episode na ito ng Happy ToGetHer last weekend.


Heto pa ang ilan sa trending scenes sa pilot episode ng Happy ToGetHer last January 2.

Nanay Pining, ang lola na ma-drama!

Girls vs. Boys, sino ang mas lamang?

Online selling 101 with Pam!


Ang Happy ToGetHer ay nasa ilalim ng direksyon ni Direk Edgar “Bobot” Mortiz at patnubay nina Executive Producer Joy Dulce at Associate Producer Maria Teofila Dueñas.

Kasama sa creative team sina Jafet Tutanes bilang Director of Photography (DOP), head writer na si Sherwin Buenavida, at mga manunulat na sina Badji Mortiz, Ricky Victoria, Ays de Guzman, Joaquin Acosta, Rolf Mahilom, at brainstormer na si Miles Ocampo.