GMA Logo andrea torres on happy together
What's on TV

Andrea Torres, inaabangan na ng fans sa 'Happy ToGetHer'

By Aedrianne Acar
Published April 11, 2022 11:36 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

andrea torres on happy together


Ano kaya ang magiging role ni Andrea Torres sa Sunday night sitcom na 'Happy ToGetHer'?

Marami ang nasorpresa sa episode ng Happy ToGetHer kagabi, April 10, nang ipinasilip ang guest appearance ni Andrea Torres ng high-rating sitcom na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz.

Sunud-sunod ang post ng viewers at fans ng Sparkle actress sa magiging paglabas niya sa patok na Sunday night sitcom.


Source: GMA Network (FB)

Napanood kahapon ang veteran actor na si Rez Cortez, na gumanap na tatay nila Boss Oca (Leo Bruno) at Mike (Jayson Gainza).

Sa ngayon, abala si Andrea Torres sa big project niya na isang international film na kinunan mula sa Argentina at the Pilipinas. Ito ang ikalawang international project ng Kapuso drama actress. Ang una ay ang pelikulang Blood in Dispute, kung saan nakasama ni Andrea si Mikael Daez noong 2015.

Huli namang nakitang umarte si Andrea sa GMA Telebabad series na The Legal Wives.

Abangan ang mga mangyayari sa guest appearance ni Andrea Torres sa Happy ToGetHer sa Sunday Grande sa Gabi, before Kapuso Mo Jessica Soho.

Tingnan ang ilan sa sexiest photos ni Andrea Torres sa gallery na ito.